Ginataang sitaw na may sili
Ang sitaw ay isa sa mga karaniwang gulay na matatagpuan sa amin dito sa laguna, lalo na sa panahon ng tag ani ng bunga nito.
Maraming paraan ng pag luluto ng sitaw. ituturo ko sa inyo ang isa sa mga basic na luto sa aming lugar at ito ang
Ginataang sitaw na may sili.
Mga kailangan:
20Pcs - na sitaw
1 - ulo ng sibuyas
2 - piraso ng bawang
1/4 - kutsaritang paminta
3-4 - piraso ng sili.
2 - basong gata o coconut milk
1 - kutsarang patis
2 - kutsarang mantika o cooking oil
At asin kung kinakailangan.
Paraan ng pag luluto:
Painitin ang kawali at lagyan ng mantika.
Igisa ang sibuyas, bawang,paminta, sili at ang sitaw.
Takpan ng 3 na minuto o hanggang sa lumambot ang sitaw.
Ilagay ang gata o coconut milk at ang patis. pakuluan ng 2 - 3 na minuto.
Lagyan ng Asin kung kailangan.
Ilipat sa malinis na lagayan at pwede mo na itong iserve.
Happy eating mga ka bukid!